It was the night when the "Red Horse" beer drinkers and hell raisers were on the loose. Gabi ng despedida ng isang barkada papuntang Saudi at paikot-ikot kami sa kawalan para mairaos ang gabi. Ang hanap namin ay yung medyo masaya (hindi yung malaswa) para naman nakangiting pasakay ng eroplano itong kaibigan namin. At napadpad kami rito sa Klownz, Araneta. Wala na talagang mapuntahan, baka maubos lang ang oras sa kaiikot.
At ito ang resulta:
At ito ang resulta:
Maraming bayot na standup comedian at di talaga ako matawa. Di ko masakyan ang mga pinagsasabi bukod pa sa hindi wholesome...eh, pang wholesome tayo, hehehe. Ewan, nakakasawa na rin sigurong manood ng ganoong tema kaya nilunod ko na lang sarili ko sa beer.
Mga ala una ng madaling araw, ito na ang Aegis which was great. Tuminding ang balahibo ko sa boses ng dalawang babaeng belters. Bukod sa matataas ang boses ay wala ka pang marinig na sayad maski minsan. At sa kanila pa ako natawa sa kanilang mga jokes. Mga komedyante rin pala (in their own rights) itong dalawang chick vocals.
Nag-enjoy ako sa mini concert. Alas tres ng umaga na kami nauwi at pumasok pa ako ng trabaho ng 7 am. Eto, gusto ng magsara ang mata ko sa antok.
Nag-enjoy ako sa mini concert. Alas tres ng umaga na kami nauwi at pumasok pa ako ng trabaho ng 7 am. Eto, gusto ng magsara ang mata ko sa antok.
No comments:
Post a Comment